Nagkukulang sa ngayon ng silid alaran ang ang isa sa skwelahan ngayon ng TESDA sa sa Asingan ngunit tuloy pa rin sa klase ang mga iskolar nito.
Ang kakulangan ng classroom ng TESDA-Luciano Millan Memorial School of Arts and Trades ay dahil sa hindi pa napapalitan ang masa labing isa nilang classroom na natupok ng sunog, higit isang buwan na ang lumipas.
Ayon kay Jess Salagubang, Vocational School Administrator III ng TESDA LMMSAT, apat na silid-aralan lamang ang naiwan ng sunog at kasalukuyang ginagamit ng kanilang mga mag-aaral.
Habang hinihintay pa ang abiso ukol sa pagpapagawa ng mga bagong classroom ay pansamantalang pinahiram din ang gym ng Luciano Millan National High School upang pagganapan ng trainings ng mga mag-aaral.
Binabalak naman ng TESDA Central Office na mag patayo ng mga classroom na gawa sa container van na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso.
Sa ngayon, nasa bilang na one hundred thirty scholars ang patuloy pa rin na pumapasok sa TESDA-LMMSAT. |ifmnews
Facebook Comments