LIBRENG CATARACT SCREENING AT EYE CHECK UP, HATID SA MGA DAGUPEÑO

Hatid sa mga Dagupeño ang libreng cataract screening at eye check up mula sa lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang ilang mga doktor mula pa sa UST.
Benepisyaryo ng nasabing programa ay halos mga senior citizens at ilang mga Dagupeñong may problema sa paningin.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nauna nang sumailalim din sa eye screening ang ilan pang mga seniors ng lungsod na nakararanas ng cataract o katarata at kung magkaroon ng Cardiopulmonary (CP) clearance ay maaaring mapabilang sa mga ooperahan na magaganap naman ngayong buwan.

Bahagi pa rin ang nasabing programa sa adhikain ng administrasyon sa pagsusulong ng kapakanang pangkalusugan ng mga Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments