Mga isolation at quarantine facility sa mga kampo ng PNP halos puno na

Problema na ngayon ang isolation at quarantine facilities sa mga kampo ng Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito inutos na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdagdag ng mga isolation facilities hindi lamang sa Camp Crame kundi maging sa mga Police Regional Offices (PRO) lalo na ang mga nasa National Capital Region (NCR) Plus.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, halos puno na ang kanilang quarantine, isolation at treatment facilities sa Camp Crame dahilan para magbukas ng dagdag na isolation facility.


Ang pagbubukas aniya ng mga dagdag na facilities ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases dulot ng Omicron strait.

Naglabas na rin aniya sila ng guidelines para sa home quarantine and isolation ng kanilang mga personnel na positibo sa virus.

Facebook Comments