Indibidwal na inaresto dahil sa paglabag sa gun ban umabot na sa 64 ayon sa PNP

56

Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 64 na indibdiwal na lumabag sa umiiral na gun ban na nagsimula nitong Enero 9.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Alba, panibagong 24 na indibidwal ang nadagdag sa bilang ng mga violators ngayong araw.

Dahil dito umabot na sa walong baril, 6 deadly weapons, 43 mga bala at isang firearms replica ang nakukumpiska ng PNP.


Sa ngayon may kabuuang 13, 471 checkpoint operations na rin ang ikinasa ng PNP matapos na makapagsagawa mahigit 2000 checkpoint operations hanggang kaninang umaga.

Ang COMELEC gunban ay magtatagal hanggang Hunyo 8, 2022.

Facebook Comments