MGA ISOLATION FACILITIES NG PANGASINAN, WALA NG NAMAMALAGING PASYENTE NG COVID-19

Bakante na o wala nang namamalaging COVID-19 Patient sa mga isolation facilities sa probinsya ng Pangasinan.
Ito ang inihayag ni Provincial IATF, PDRRMO Officer Colonel Rhodyn Luchinvar Oro sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan.
Aniya, ang probinsiya ay mayroong 96 na isolation facilities at 1, 372 kama ang bakante.

Sa kasalukuyan Ang Pangasinan ay mayroong 23 aktibong kaso kung saan karamihan dito ay pinayagang mag home quarantine at nasa mga hospital.
Ang average case ng probinsya sa loob ng isang araw ay nasa tatlo na lamang.
Ang mga bayan na may kaso ng COVID-19 ay ang Mangatarem na nasa pitong kaso, tig dalawa sa Alaminos City, Lingayen, Pozorrubio, San Manuel at Dagupan City at tig isa naman sa Bayambang, Bolinao, Malasiqui, San Carlos City, San Nicolas at Urdaneta City.
Ayon sa Opisyal bagamat mananatili ang Pangasinan sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang sa ika-15 ng Hunyo mahigpit pa ring tinututukan ang pagbibigay ng bakuna laban sa sakit.
Ang Pangasinan ay nakapagtala na ng 2, 725, 890 na fully vaccinated o 79.67% ng target population at 359, 711 indibidwal ang hindi pa nabibigyan ng bakuna sa kadahilanang lumipat ng probinsiya o di kaya ay umalis na ng bansa.
Hinimok naman ng Provincial Health Office ang mga indibidwal na maari ng tumanggap ng booster dose na magpunta sa health centers dahil sapat ang bakuna ng probinsya. | ifmnews
Facebook Comments