Manila, Philippines – Inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prayoridad ng Chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN summit ngayong taon.
Sa opening Statement ni Pangulong Duterte sa ASEAN Leaders Summit kanina ay sinabi nito na ang tinututukan ng Chairmanship ngayon ng Pilipinas sa ASEAN Summit ay ang pagbuo sa People oriented at people centered ASEAN, pagpapanatili ng mapayapa at stable na matatag na rehiyon,pagtutulungan para sa maritime security, pagsusulong ng inclusive at innovative growth at promosyon ng ASEAN bilang isang Global Player.
Ikinagalak naman ng Pangulo ang buong suporta ng ASEAN nations sa kanyang mga ninanais sa rehiyon.
Iisa aniya ang gusto ng mamamayan ng bawat nasyon ay ito ay dapat ibigay ng kanilang mga gobyerno dahil ito ay nararapat lamang na kanilang matanggap.
Mga issue na isinusulong ng Chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN inisa-isa ng Pangulo
Facebook Comments