Magiging siksik parin sa aktibidad ang ikatlo at huling araw ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Bangkok Thailand para sa kanyang pagdalo sa Association of South East Asian Nation o ASEAN Summit.
Batay sa official schedule ng pangulo ay magsisimula ang kanyang araw alas 9 ng umaga para sa opening ceremony ng 34th ASEAN Summit, susunda ito ng Leaders Retreat kung saan ay inaasahang paguusapan ang ibat ibang regional at international issues.
Sa hapon naman ay magkakaroon ng pulong ang Pangulo para sa BIMP-EAGA o ang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area kung saan mailalatag ang ilang issue tulad ng Maritime Security, pagbabalik ng barter trade, pagpapalakas ng Economic cooperation at iba pa.
Huling schedule ni Pangulong Duterte ay ang bilateral meeting nito kay Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha at bago mag alas-6 ng hapon dito sa Thailand ay lilipad na si Pangulong Duterte pauwi ng Pilipinas.