MGA ISYU NA KINAKAHARAP SA BAYAN NG MANGALDAN, TINALAKAY KASAMA ANG MGA BARANGAY CHAIRMEN

Tinalakay sa naganap na pagpupulong sa pangunguna ng mga Barangay Chairmen ng bayan ng Mangaldan ang ilang mahahalagang isyu at mga hakbangin para sa layuning mapahusay pa ang kanilang lokal na pamamahala.
Sa naganap na pagpupulon, binigyang diin ang usapin ukol sa kahalagahan ng patuloy na pagsunod sana sa health protocols gaya na lamang ng pagsusuot ng face mask, social distancing, at paghuhugas ng kamay para makaiwas pa rin sa banta ng COVID 19.
Ayon kay Municipal Health Office Medical Officer III Dr. Virgilio Manzano, kahit pa nananatili sa pagbaba ang kaso ng COVID 19 sa bayan, kailangan pa ring mapanatili ang pagsunod sa mga health protocols para tuluyan ng mawala ang bilang ng mga natatamaan ng naturang sakit.

Isa pa sa binigyan diin ang pagbibigay nito ng babala ukol sa panganib na maaaring dalhin ng dengue sa Munisipalidad ngayong tag-ulan.
Nanawagan ito sa mga Barangay Chairmen na itaas ang kamalayan sa kanilang mga nasasakupan.
Ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office naman ay inihayag ang ibayong pag-iingat sa pagligo sa Angalacan River kung saan inalerto ang mga Punong Barangay sa maaaring panganib.
Humingi rin ng kooperasyon ang naturang ahensya sa mga ito para sa pagpigil sa mga naliligo at gagawa ng mga peligrosong gawain malapit sa ilog.
Samantala, nasa pagpupulong rin si PLTCOL. Benjamin E. Zarate, Jr., ang Mangaldan Chief of Police, at inihayag ang tungkol sa kanilang pagkabahala sa dumaraming kaso ng panggagahasa sa Munisipalidad kung kaya’t itensyon nitong magsagawa ng pag-uusap kasama ang mga magulang at mga guardian ng mga kabataan sa bayan para sa pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas at ng komunidad upang matugunan ang nakababahalang pagtaas ng kaso ng panggagahasa sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments