TATLUMPUNG BLOOD BAGS, NAKOLEKTA SA ISINAGAWANG BLOOD DRIVE SA BAYAMBANG

Tatlumpung blood bags ang nakolekta sa isinagawang blood drive sa Barangay Sanlibo, bayan ng Bayambang.
Ang pagsasagawa ng naturang mobile blood donation ay mula sa pangunguna ng Region 1 Medical Center kasama ang Rural Health unit III.
Nagkaroon ng nasa animnapung mga registered potential donors and naturang blood drive kung saan tatlumpo dito ang naging successful blood donors.

Naglalayon ang pagsasagawa ng ganitong klase ng blood donation para sa pagbibigay ng sapat na suplay ng dugo sa mga hospital para mga pasyenteng pinaka-nangangailangan nito at upang mapunan rin ang kakulangan sa suplay ng dugo.
Sa Brgy. Inirangan Covered Court naman sa susunod na linggo, June 15, magsasagawa ng mobile blood letting drive ang grupo na susundan naman sa Brgy. Pangdel. |ifmnews
Facebook Comments