Mga isyung nakakaapekto sa mga ordinaryong Pilipino, tutukan ng Kamara sa muling pagbubukas ng session simula ngayon araw

 

Simula ngayong araw hanggang May 24 ay balik muli ang session ng Kongreso.

Dahil natapos na ng House of Representatives ang 20 panukala na prayoridad na panukala ng Malacañang ay tutukan naman nito ang mga isyung nakaaapekto sa mga ordinaryong Pilipino.

Pangunahing binanggit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, cybersecurity threats na kinahaharap ng mga ahensya ng gobyerno, at ang isyu ng West Philippine Sea.


Bunsod nito ay binanggit ni Romualdez na tutuunan naman ng atensyon ng Kamara sa kanilang oversight functions sa pamamagitan ng pag-iimbestiga o pagkakasa ng mga pagdinig.

Diin ni Romualdez, layunin nitong masigurado na naipatutupad nang tama ang mga umiiral na batas o patakaran, masigurado ang transparency at maprotektahan ang interes ng publiko.

Facebook Comments