Maaaring mag-apply ang mga Information technology-business process outsourcing (IT-BPO) firms at iba pang Philippine Economic Zone Authority o PEZA-registered compies ng 70-30 hybrid work management kung saan papayagan ang ilang empleyado nito na magtrabaho sa kanilang tirahan.
Sa isang panayam kay PEZA Director General Charito Plaza, sinabi nito na maaaring bumalik ang mga rehistradong negosyo sa 70-30 ration kung saan 70% ng kanilang empleyado ay magtatrabaho on-site habang ang natitirang 30% ay sa kanilang bahay.
Dahil dito, iniimbitahan ni Plaza ang lahat ng mga PEZA-registered businesses na mag-apply ng letter of authority upang i-avail ang 70-30 workscheme kung saan kailangang bigyang-katwiran ang mga rason upang payagan sila sa naturang arrangement.
Iginiit naman nito na sinusuportahan ng PEZA ang hybrid work scheme.
Mababatid na pinapabalik na ang on-site work scheme sa mga IT-BPO firms simula April 1 matapos ibasura ng Fiscal Incentives Review Board na palawigin ang 90-10 ratio na pumapabor sa work-from-home setup.