Mga itatayong imprastraktura, dapat nang gawing disaster proof ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinakailangang matiyak na matatag ang mga imprastrakturang itatayo sa hinaharap, ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa pangulo, dapat masigurong matatag ang mga imprastrakturang itatayo, mahalaga aniyang maging disaster proof na ang mga bagong gagawing kalye, maging ang iba pang gusali katulad ng ospital at mga bahay.

Kabilang na rin dito ang mga heritage sites dagdag ng pangulo, kaugnay nito ay sinabi ng presidente na kailangang mai-restore ang mga makasaysayang istraktura na winasak ng nagdaang 7 magnitude quake na nagpayanig sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR).


Ilan na dito ang Cathedral sa Vigan, ang Kalye Crisologo at ang Bantay Bell Tower sa Ilocos Sur.

Maliban dito ay nagkaroon din ng pinsala ang 19th-Century Sta. Catalina de Alexandria Church sa Abra gayundin ang San Lorenzo Ruiz Shrine.

Facebook Comments