Mga jeepney driver, magbibigay pa rin ng diskwento sa pasahe ng mga estudyante sa pagbabalik eskwela sa Agosto

Magbibigay pa rin ang mga jeepney driver ng diskwento sa pasahe ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto.

Ito ang kinumpirma ng Liga ng mga Tsuper at Operator sa Pilipinas (LTOP) sa kabila ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa LTOP, hindi nila ito maaaring alisin dahil ganap nang batas ang fare discount.


Samantala, nais namang makipag-usap ng LTOP sa Department of Transportation (DOTr) upang linawin kung itutuloy pa rin ba ng gobyerno ang ‘Libreng Sakay’ sa ibang mga ruta.

Nabatid kasi na ang ibang mga tsuper ay hindi pa handa sa pagbubukas ng klase at may mga driver at operator na hindi pa rin nababayaran ng pamahalaan sa ginawang ‘Libreng Sakay’ noong nakaraang administrasyon.

Facebook Comments