Hati ang opinyon ng ilang mga jeepney drivers sa Dagupan City ukol sa Nationwide Transport Strike ngayong araw para sa pagprotesta ukol sa jeepney modernization at iba pang idinadaing ng mga PUVs.
Ang ibang mga jeepney drivers nais sanang sumama sa transport strike para damayan ang kanilang kapwa drivers at makibahagi din sa kanilang hinaing ukol sa jeepney modernization habang ang iba naman, mas gusto na hindi sila kasama sa naturang transport strike dahil sayang ang kikitain sa buong maghapon kung hindi umano sila mamamasada.
Kung sa Maynila, nasa 700 na mga jeep ang kasama sa tigil pasada ngayong araw; sa lalawigan ng Pangasinan, walang transport group na sasama at magtitigil pasada.
Pinangunahan na rin ito ng LTFRB Region 1 na walang kasamang transport group sa rehiyon ukol sa tigil pasada at nagbigay kasiguraduhan din ang mga transport group sa mga commuter na sapat ang mga pampublikong sasakyan na namamasada ngayong araw. |ifmnews
Facebook Comments