Mga jeepney na walang QR code, hindi muna huhulihin ng LTFRB bukas

Inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na wala munang mangyayaring hulihan bukas para sa mga jeepney na bibiyahe sa 49 routes kahit wala pang Quick Response (QR) codes.

Sa virtual presser sa LTFRB, sinabi ni Delgra na hindi pa makakapag-download ng QR codes ang mga operators dahil inaayos pa ang migration ng LTFRB website patungong Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ipapaskil ngayong hapon ng LTFRB sa social media ang listahan ng mga naaprubahang traditional Public Utility Jeep (PUJ) routes kasama ang mga corresponding operators.


Ang mga jeepney operators ay papayagang makabalik sa kalsada bukas basta’t makakasunod lamang sa mga sumusunod na pamantayan:

• Una, ang unit ay rehistrado bilang roadworthy sa Land Transportation Office (LTO).
• Pangalawa, ang unit ay may valid Personal Passenger Insurance Policy (PPIP).

Facebook Comments