Manila, Philippines – Pinayuhan ni Una Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro ang mga jeepney drivers at operators na maging bukas sa kasalukuyang sitwasyon ng transportasyon.
Ayon kay Belaro, dapat matuto na mag-adapt ang mga jeepney drivers at operators sa mga pagbabago lalo na`t nagsulputan na ngayon ang mga TNCs tulad ng Uber at Grab.
Aminado naman ang mambabatas na gusto pa rin namang sakyan ng maraming Pilipino ang jeep pero nag-iiba na ang panahon at marami nang klase ng transportasyon.
Hindi aniya maitatanggi na maraming jeepneys ang hindi na ligtas bumiyahe kaya gustong palitan ng gobyerno ang mga luma ng bagong modelo na akma sa environmental standards at road safety law.
Dagdag pa ng kongresista, dapat unawain rin ng sektor ng transportasyon na iniisip rin ng gobyerno ang kapakanan ng commuting public sa isinusulong na PUV modernization program.