MGA JUMPER O ILLEGAL NA KONEKSYON NG KURYENTE, IGINIIT NA MAPANGANIB

Iginiit ng isang electric power distributor sa Pangasinan ang panganib na dulot ng mga jumper o illegal na koneksyon ng kuryente.

Ayon kay Central Pangasinan Electric Cooperative General Manager Rodrigo Corpuz, hindi umano iminumungkahi na dumipende sa mga nag-aalok na ikabit na lang sa kuntador ng isang bahay upang magkaroon ng kuryente ang isa pang bahay.

Maaari umano kasi itong magkaroon ng kapahamakan lalo na kung hindi awtorisado o eksperto ang gagawa ng pagkabit sa wire ng kuryente.

Maaaring humarap sa karampatang penalty ang mga mahuhuling ilegal na nagpapakabit ng kuryente. Payo nito na mainam na dumulog na lamang sa electric cooperatives para legal na maisagawa ang pagpapakabit ng kuryente nang makaiwas sa aksidente o disgrasya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments