MGA JUNKSHOPS SA POZORRUBIO, GAGAWAN NG IMBENTARYO

Susuyurin ng Pozorrubio MENRO ang lahat ng nag-ooperate na junk shops at junk yards upang magsagawa ng imbentaryo kasabay ng pagtatala sa mga manggagawa sa informal waste sector.

Ito ay base sa kautusan ng lokal na pamahalaan na may layuning matukoy ang kalakaran sa mga pasilidad hanggang sa mga kagamitan tungkol sa pagrerecycle ng basura.

Target din na isyuhan ng permit at clearance ang mga junkshop upang maging awtorisado dahil sa malaking gampanin nito sa kalusugan ng mga residente.

Sa pamamagitan nito, pinalalakas ang aksyon at inisyatibo sa pamamahala ng mga basura sa komunidad at magkaroon ng nagkakaisang hangarin na mapangalagaan ang kapaligiran habang nakakatulong sa mga manggagawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments