Mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco na tinanggal sa House leadership, posibleng maibalik sa pwesto

Malaki ang tyansang maibalik sa kanilang pwesto ang mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco na unang tinanggal sa House leadership.

Kabilang dito si 1PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero na inalis bilang Deputy Speaker, AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin na tinanggal bilang Chairman ng Economic Affairs Committee at Quezon Rep. Angelina Tan na sinibak na Chairman ng Committee on Health.

Ayon kay Cavite Rep. Boying Remulla, ibabalik sa kanilang mga committee chairmanships ang mga kongresista na tinanggal sa kasagsagan ng tensyon sa Speakership issue.


Gayunman, wala pang abiso kung magkakaroon ng iba pang rigodon sa chairmanships ng iba pang komite.

Matatandaan naman na sinabi ni Velasco na tutuparin niya ang unang napagkasunduan na walang balasahan sa committee chairmanships at tanging Speakership post at Chairman ng Accounts ang mapapalitan.

Facebook Comments