Mga kaalyado sa Liberal Party sa Kamara, lubos na nanghihinayang sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagpaabot na rin ng pakikidalamhati sa pamilyang Aquino ang mga kaalyadong Liberal Party (LP) sa Kamara ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Malaki ang panghihinayang ng mga LP member sa Kamara dahil maituturing na isang passionate na leader si PNoy.

Ayon kay Deputy Speaker Neptali Boyet Gonzales II, sa buong termino ni PNoy bilang pangulo ay nagsilbi siyang House Majority Leader.


Dito ay nakita niya kung gaano kabuong puso na isinulong ni Aquino ang ilang mahahalagang batas sa bansa tulad ng Reproductive Health (RH) Law.

Isinulong din ni Aquino ang iba’t ibang batas na nagpalakas sa ekonomiya at nagbigay sa bansa ng matatag na investment-grade ratings sa mga pangunahing credit-rating agencies.

Sinabi naman ni dating Speaker Sonny Belmonte na nag-iwan si PNoy ng maraming legacy sa bansa sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas na makapagpapabago sa buhay ng maraming Pilipino.

Bukod sa RH Law, kabilang dito ang Kasambahay Law, Human Rights Victims Compensation Act, Competition Act, ang pagtatatag ng Department of Information and Communications Technology (DICT), st Sin Tax Law.

Dagdag pa ng dating Speaker, ang dedikasyon ni Aquino sa pagtupad ng tungkulin at responsibilidad gayundin ang kampanya laban sa korapsyon at hindi makukwestyong integridad ang nagsilbing matibay na haligi nito sa kanyang pamamahala.

Facebook Comments