Mga kaanak at kasamahan ng napatay na NDFP consultant na si Felix Malayao, sasampahan ng kaso ng PNP

Sasampahan ng kaso ng Police Regional Office 2 ang mga kaanak at kasamahan ng napatay na si NDFP Consultant Felix Randy Malayao dahil sa umano ay hindi pagpayag ng mga ito na ibalik ang mga personal na gamit ng biktima na magagamit raw sana sa imbestigasyon sa kaso.

Kasong obstruction of justice at grave threat ang isasampa kina Karapatan legal consultant Atty. Edu Balgos, Dating Nueva Viscaya Board Member Rina Balgos at Kapatid ni Malayao na Perla Malayao -Upano.

Ayon sa PNP, pinagbantaan umano ni Upano ang hepe ng Aritao Police dahil ayaw ibigay sa kanila ang anim na Cellphone at laptop ni Malayao.


Matatandaang sinibak ni PNP Chief Oscar Albayalde ang hepe ng Aritao Police na si CINSP. Geovanni Cejes at provincial director ng Nueva Vizcaya na si Senior Supt. Jeremias Agglugub dahil sa kapabayaan sa paghawak ng mahahalagang ebidensya.

Nanatili pa rin ngayon sa kapatid ni Malayao ang kanyang mga gadget.

Susubukan namang i-enhance ng PNP Anti cybercrime group ang kuha ng CCTV ng bus para makilala at maaresto ang mga salarin.

Facebook Comments