Maynilad at Manila Water, pinagsusumite ng mga nakolekta sa mga consumer

Manila, Philippines – Pinagsusumite ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang dalawang water concessionaires ng kanilang mga nakolektang environmental fee sa mga consumers sa loob ng 21 taon.

Sa mosyon ni Atienza, pinasusumite sa Maynilad at Manila Water ang record ng mga nakolekta sa mga consumers mula 1997 hanggang sa kasalukuyan.

Hinihingi din sa dalawang water concessionaires ang umano ay nagastos sa pagtatayo ng sewerage treatment facilities na inirereklamo ng kongresista na kinokolekta din sa mga consumers pero hindi naman nagagamit.


Bukod dito, ipinapasubpoena din kung magkano ang utang ng MWSS sa iba’t ibang foreign fundings.

Ipinapa-subpoena din ng komite ang mga opisyal ng MWSS, Maynilad at Manila Water para humarap sa susunod na pagdinig ng Manila Bay Rehabilitation.

Facebook Comments