Manila, Philippines – Nagtipon-tipon sa Bantayog ng mga Bayani ang mga kaanak ng mga biktima ng martial law upang gunitain ang anibersaryo ng People Power 1.
Nagsindi sila ng kandila at alay ng bulaklak sa bantayo ng mga nag-martir sa panahon ng batas militar sa panahon ni dating Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga nagsalita sa okasyon ay ang napatalsik na Chief Justice ng Korte Suprema na si Ma. Lourdes Sereno.
Sumama rin sa programa si dating Bayan Muna Partylist Representative Neri Colminares.
Isang deklarasyon ang pinirmahan ng mga kaanak sa pagtatapos ng aktibidad.
Panawagan sa deklarasyon na labanan ang mga pagsisikap na baguhin ang kasaysayan partikular ang nagsasabi na namuhay ng kapayapaan at kaginhawaan sa panahon ng batas militar.
Hamon din ng grupo, gamitin ang midterm elections na makapaghalal ng mga kandidato na totoong may kakayahan, paninindigan at kalinisan ng pagkatao.