Mga kababaihan, hindi dapat gamiting pang-aliw sa mga kampanya – Kamara

Nagpaalala ang grupong Gabriela sa lahat ng mga kandidato na huwag gamitin sa entertainment o pangaliw ang mga kababaihan sa kanilang kampanya para sa 2022 eleksyon.

Sa gitna na rin ito ng pagkundena ng maraming grupo sa ginawang “lap dance” ng mga kandidato sa Laguna.

Banat ng Gabriela, ito ang tinatawag na “4Gs” sa eleksyon sa ating bansa o ang “guns, goons, gold and girls” na dapat ay hindi pinahihintulutan.


Giit pa ng grupo, hindi dapat gawing normal na pagkatuwaan ang mga kababaihan ng mga gustong maupo sa poder.

Apela ng Gabriela sa mga kandidato, iwasan ng mga ito ang pag-sexualize sa mga kababaihan na may karapatan ding mabigyan ng respeto.

Facebook Comments