Mga kababaihan, hindi mapag-iiwanan sa isinusulong na DPI ng Marcos administration

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi mapag-iiwanan ang mga Filipina sa isinusulong ng Marcos administration na digital public infrastructure o DPI.

Diin ni Romualdez, ang tagumpay ng mga kababaihan ay napakahalaga para sa modernong lipunan.

Binanggit ni Romualdez na mismong ang philanthropist at women advocate na si Melinda French Gates ay nagsabi sa lecture ng World Bank – International Monetary Fund Spring Meetings na importante ang digital public infrastructure para sa women’s empowerment.


Sang-ayon si Romualdez sa inihayag ni Gates na ang DPI ay nagbibigay sa mga kababaihan ng access sa capital and opportunities, dignity and respect, at pagkakataong makilahok sa iba’t ibang aktibidad.

Si French Gates ang ex-wife ni Microsoft Co-founder Bill Gates at siya rin ay co-founder ng Bill & Melinda Gates Foundation, na isa sa pinakamalaking private charitable organizations sa mundo.

Facebook Comments