Mga kababaihan sa Maynila, pinag-iingat sa isang manyakis na rider

Manila, Philippines – Pinag-iingat ang mga kababaihan sa Maynila, partikular na sa EspaƱa dahil sa isang rider ng motorsiklo na nanghihipo sa maselang bahagi ng katawan ng mga babaeng nakukursunadahan niya.

Binansagan ang rider na nakunan sa closed-circuit-television camera na “manyakis rider black” kung saan nakasuot ito ng helmet, jacket na itim at walang plaka ang motorsiklo.

Ayon kay Noel Ponce, opisyal ng brgy. 460 zone 45, walang ibang ginagawa sa biktima ang rider kung hindi hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng babae.


Sa kuha ng CCTV ng brgy noong may 30, bigla na lang hinawakan ng rider sa dibdib ang babaeng estudyante na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Ana”, kagagaling lang niya noon sa eskwela at naglalakad sa may kanto ng extremadura nang hipuan siya ng rider.

Bukod kay ana, napag-alaman din na may iba pang nabiktima sa lugar ang rider.

Sa isang insidente, bumaba pa ang rider sa motosiklo at sinalubong ang biktima saka hinawakan sa maselang bahagi ng katawan.

Dahil dito, nakaalerto na ang mga tanod at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.
DZXL558

Facebook Comments