Mga Kabataan at Pulis, Nagtagisan sa Pamamagitan ng Mural Painting

Cauayan City, Isabela- Nagkaisa sa pamamagitan ng mural painting contest ang ilang mga kabataan at pulis mula sa probinsya ng Isabela bilang pagsuporta laban sa illegal na droga at terorismo sa bansa.

Isinagawa ito mismo ngayong araw, Enero 31, 2021 sa bakod ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na nakabase sa Lungsod ng Ilagan.

Nilahukan ito ng mga kabataang Isabelino mula sa 30 bayan, 36 muncipal police station, kasama ang 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (IPMFC) at headquarters ng IPPO upang ipakita ang suporta sa layunin ng EO 70 o NTF-ELCAC at mawakasan ang problema sa Illegal na droga.


Ang KKDAT Mural Painting na may temang “Kabataan at Pulisya sa Isabela, Nagkakaisa Laban sa Illegal na Droga at Terorismo” ay proyekto ni PCol James Cipriano, Provincial Director ng IPPO at batay na rin sa kautusan ni PNP Chief PGen Debold Sinas.

Ayon sa pahayag ng ilang mga kalahok na kabataan, maganda ang naisipang programa ng PNP upang maipakita ang talento at maipaabot ng mga kabataan ang kanilang mensahe at opinyon sa usaping droga at terorismo.

Facebook Comments