*Cauayan City – *Patuloy na pinaaalalahanan ni Col. Henry Doyaoen,ang Officer in Charge ng 503rd Infantry Brigade ang mga kabataan at mga mamamayan matapos ang puspusang pagrerecruit ng mga NPA.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Col. Doyaoen ay sinabi nito na sa halip na magpalinlang ay tumutok nalang umano ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Panawagan pa nito sa mga NPA na sumuko na lamang at tumutok sa mga programa ng gobyerno gaya nglibreng edukasyon at iba pang mga serbisyong ibinibigay ng pamahalaan.
Iginiit din nito na huwag umanong sayangin ang buhay sa pamamagitan ng pag-anib sa makakaliwang grupo na winawasak ang pamilya ng mga mamamayan at gumagawa ng krimen.
Samantala, ipinasiguro pa ni Col. Doyaoen na hindi magpapabaya ang panig ng kasundaluhan upang gabayan ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan upang matiyak ang katahimikan ng bayan.