Mga kabataan, hinikayat ni Pangulong Marcos Jr., na maging scientist

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Science and Technology (DOST) na gumawa ng mas maraming inisyatibo para mahikayat ang mga kabataan na ipursige ang scientific and technological courses.

Sa talumpati ng pangulo sa 8th Annual Balik Scientist Program Convention sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi nito na malamya ang mga paraan ng bansa para ma-inspire ang mga kabataan na kumuha ng mga kursong scientific and technological para maging scientist.

Kaya naman mahalaga aniyang palakasin ang Balik Scientist Program para maipresenta sa mga kabataan at mga estudyante na mag-aral ng science at technology para sa development ng bansa.


Tiniyak ng pangulo ang kanyang buong suporta sa research projects, invention at Balik Scientist Program para ma-inspire ang mga kabataan at mas maging buo naman ang dedikasyon ng mga Filipino scientist sa bansa sa pamamagitan ng kanilang talent at malawak na kaalaman sa science at technology.

Facebook Comments