Mga noche buena items, dapat magkaroon ng diskwento sa mga mahihirap na komunidad

Iminungkahi ni Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera sa Department of Trade and Industry (DTI) na maglagay ng mga discounted consumer goods at noche buena items sa informal settler communities.

Kada taon ay nagpapaikot ang DTI ng Diskwento Caravan – Noche Buena Edition kung saan maaaring makabili ng noche buena items at iba pang pangunahing bilihin na mas mababa ang presyo sa suggested retail price (SRP).

Ayon kay Herrera, sa mga susunod na linggo o sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre ay mainam na mag-deploy ang DTI ng Diskwento Caravan – Noche Buena Edition sa mga mahihirap na kumunidad.


Paliwanag ni Herrera, malaking tulong ang naturang hakbang para maitawid ng mga mahihirap nating kababayan ang Pasko at Bagong Taon at ang iba pa nilang pangangailangan.

Facebook Comments