Kasabay ito ng isinagawang pagpupulong ng NAGKAISA Isabela Youth Development Council sa Provincial Capitol, City of Ilagan, Isabela.
Sa nasabing meeting, hinihikayat ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez ang mga Kabataan na makibahagi sa nalalapit na Massive Clean-up drive sa buong Isabela bilang pagtugon sa tumataas na kaso ng dengue.
Naniniwala si Atty. Lopez na malaki ang maitutulong ng sektor ng Kabataan sa komunidad gaya na lamang ng pakikisa sa pagpuksa ng dengue.
Ang pagsasagawa ng Simultaneous clean-up drive sa probinsya ay alinsunod sa Executive Order No. 07-2022 series of 2022 na inisyu at pirmado ni Isabela Governor Rodito Albano III.
Samantala, ibinahagi ni Mr. Marvin Valiente, Dengue Program Provincial Coordinator na as of June 22, 2022 ay lalong tumaas sa 1,495 ang dengue cases sa Isabela.
TAGS; City of Ilagan, Todas Dengue,todo na’to Ika-Siyam na kagat