National Development Company ipinabubuwag ni PRRD

88

Pinabubuwag na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang First Cavite Industrial Estate Inc.

Sa inilabas na memorandum order number 62 ng Malacañang ngayong araw, nakasaad na wala nang saysay sa estado ang orihinal na layunin ng korporasyon dahil hindi cost efficient, hindi na nag-o-operate at nakikitang mas magagampanan ng pribadong sektor ang mga aktibidad na dapat nitong ginagawa.

Ang First Cavite Industrial Estate Inc., ay narehistro sa Securities and Exchange Commission noong December 14, 1990 at nagsimula bilang joint venture project ng National Development Company at mga ka-partner nito para kumuha, magmay ari, mag-parenta, magpatayo, mag-develop, mag-operate at mangasiwa sa industrial estates.


Matatandaan nito lamang nakalipas na December 21, 2021, naaprubahan ang deactivation ng First Cavite Industrial Estate, Inc. (FCIEI) at ngayon ay tuluyan nang ipinag-utos ng pangulo na buwagin ito.

Facebook Comments