Ang naturang aktibidad ay isinagawa ngayong buwan ng Abril taong kasalukuyan na kung saan ay kabilang sa kanilang itinanim na gulay ang talong, sitaw, okra, petsay at marami pang iba Layunin ng naturang programa ay para makatulong sa kapaligiran kaugnay sa climate change at para makaiwas sa masasamang Gawain na nakakasira sa kanilang mga pangarap sa buhay.
Plano ng pamunuan ng SK ng Salay, san Agustin na ibebenta ang kanilang aanihin at ang kikitain ng kanilang proyekto ay gagamiting pandagdag sa kanilang pondo. Isa sa mga ginagawang programa ng SK Salay ay ang pamamahagi ng free wifi para sa mga mag-aaral ng high school hanggang kolehiyo na nagmumula sa kanilang barangay.
Tuloy-tuloy din ang pakikibahagi ng Sangguniang kabataan ng Salay sa mga ipinapatupad ng aktibidad ng barangay salay ganun din sa mga aktibidad ng kanilang eskuwelahan na Salay Elementary School.