PRC, nagpatayo ng 9 na Emergency Field Hospital sa Lung Center of the Philippines

Nagpatayo ang Philippine Red Cross ng 9 na Emergency Field Hospital (EFH) sa Lung Center of the Philippines.

Sa harap ito ng tumataas na bilang ng mga pasyengteng dinadala sa nasabing ospital.

Ayon kay PRC chairman at CEO Richard Gordon, itatayo malapit sa Lung Center compound ang mga EFH nang sa gayon ay may access pa rin sa mga doktor, nurse, X-ray, CT-scan, laboratories at iba pang medical facilities ang mga magpopositibo sa COVID at mangangailangan ng hospital admission.


Magsisilbing extension ng Lung Center ang mga EFH na tutugon sa tumataas na demand sa hospital beds.

Makakatuwang din ng PRC dito ang Philippine Medical Association, Philippine Nurses Association at kanilang mga volunteers.

Facebook Comments