MGA KABATAAN SA TUMAUINI, ISABELA, SUMAILALIM SA YOUTH SUMMIT 2022

Sumailalim sa Youth Summer 2022 ang ilang grupo ng mga kabataan sa bayan ng Tumauini, Isabela na may temang “Transformation in Transforming Times”*.*

Ito ay inisyatiba ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGTPD) sa pangunguna ni Atty. Maricon G. Carreon, Chairperson, MAGPTD, Chief Technical Support Division, Tumauini PS sa pamumuno ni PMaj Charles B Carino, hepe ng Tumauini Police Station at Local Government Unit na pinangungunahan naman ni Municipal Mayor Hon. Venus T. Bautista.

Nakatulong sa pagmumulat sa iba’t-ibang grupo ng mga kabataan na binubuo ng Sangguniang Kabataan, KKDAT-Tumauini Chapter, mga mag-aaral ng iba’t-ibang paaralan ng Tumauini, miyembro ng fraternity at ilan pang organisasyon.

Naging aktibo naman sa lahat ng lectures ang mga kalahok gaya ng Mental Health awareness in Adolescents ni PMaj Florence D Roales, C, NP Section ng RMDU2; Teenage Pregnancy ni PMaj Michelle Dulin; Youth Volunteerism ni Mr. Mark Djeron C. Tumabao ng PIA; Responsible Use of Social Media Protocol ni PMaj Mallillin, Acting RPIO; Developing Relationship with God ni Pastor Darius M Paguirigan at Character building and Values formation naman ni Pastor Gilbert S. Dela Fuente.

Bukod sa mga lectures ay nagkaroon din ang mga kabataan ng mga gawain at palaro sa bawat aralin.

Itinampok naman sa unang bahagi ng program ang Oathtaking ng mga bagong miyembro ng MAGTPD at Renewal of Vows naman para sa mga dating miyembro kung saan ito’y inadminister ni Hon. Bautista.

Nakilahok rin sa aktibidad sina PLTCol George P Cablarda, DPDA, IPPO na nagbahagi ng kanyang mensahe ng pagsuporta at pasasalamat sa pagsasagawa ng aktibidad na siyang makakatulong sa paghubog sa mga kabataan.

Ang Youth Summit 2022 ay bahagi ng Community and Service Oriented Policing (CSOP) program for advocacy against illegal drugs na siyang makakatulong sa mga kabataan na maging Makadiyos, responsableng mamamayan at mangunguna sa pagpapanatili ng kaayusan at pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments