Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga kabataang Pilipino na magparehistro at bumoto sa nalalapit na May 2022 elections.
Ayon kay Robredo, hindi maaaring iniiwan na lamang sa “chance” o tila pangangampanya na pasang nasa hangin.
Maraming kabataan aniya ang maaari nang bumoto pero hindi sila nagpaparehistro sa kabila ng pangungumbinsi ng ilang advocacy groups.
Nagkakaroon din ng maling pananaw na walang saysay ang kanilang mga boto sa halalan.
Dahil dito, nagbigay ng mga suhestyon si Robredo sa kung paano mahihikayat ang mga Pilipino na magparehistro sa nalalapit na eleksyon, kabilang na rito ang pag-aalok ng libreng sakay.
Facebook Comments