Manila, Philippines – Sumugod sa Dept. of Justice ang mga kabataan na kasapi ng Youth RESIST, student council leaders at sectoral leaders para igiit ang pagpapa-resign kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre.
Pawang mga nakasuot ng wig ang mga kabataan bitbit ang placards na may nakasulat na “Wig kang pasaway at Aguirre resign!”
Inupakan din ng mga kabataan ang aniyay pang-uudyok ni Aguirre sa Volunteers Against Crime and Corruption para kasuhan at gipitin si Senadora Rissa Hontiveros.
Bitbit din ng mga kabataan ang hard copy ng change.org petition na may 17,000 na lagda na kanilang nakalap.
Facebook Comments