MGA KABATAANG DAGUPEÑO, SINANAY MAGING TAGAPANGALAGA NG MGA BAYBAYIN

Maaga nang sinanay ang ilang kabataan sa Brgy. Pugaro, Dagupan City ukol sa pangangalaga ng mga baybayin.

Sa ilalim ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project o FishCore, target na maipamulat na sa mga kabataan edad labing dalawa pababa ang pagpapanatili ng mga hindi mapanirang pangingisda at pahalagahan ang mga yamang dagat.

Pinalalakas ng aktibidad ang pagiging responsable ng mga kabataan bilang maasahan na magtataguyod sa industriya ng pangisdaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments