Mga kabataang nasa edad 15-17, nangunguna pa rin sa pila ng voter registration

Umaabot na sa 235,153 ang mga bagong nagpatala para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Pinakamarami pa rin sa bagong registrants ay mga kabataan na may edad 15-17 kung saan umaabot na ito sa 138,645.

Habang ang mga nagpatala na nasa edad 18-30 ay umaabot na sa 81,332 at ang mga nasa edad 31 pataas ay15,176.


Kinumpirma rin ng Commission on Elections (COMELEC) na umaabot na sa 334,027 ang mga naprosesong aplikasyon para sa nagpa-update tirahan, apelyido, lugar ng registration at iba pa.

Facebook Comments