
Sinasanay sa dried mango processing ang mga kabataang sumasailalim sa on-the-job training (OJT) sa Local Government Unit ng San Carlos sa isinasagawang pagsasanay mula Marso 19 hanggang Abril 13, 2026 sa SCC Livelihood Training Center.
Layunin ng programa na hasain ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa wastong pagproseso ng dried mango, isang produktong may mataas na halaga sa merkado, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang oportunidad sa kabuhayan.
Sa pagsasanay, itinuro ang mahahalagang hakbang tulad ng tamang pagpili ng mangga, maayos na paghiwa, wastong paraan ng pagpapatuyo, at angkop na pag-iimpake upang matiyak ang kalidad ng produkto.
Ayon sa mga kalahok, malaking tulong ang naturang programa upang mapalawak ang kanilang kasanayan at magkaroon ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan.
Ipinakita rin ng inisyatibo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at komunidad sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng LGU San Carlos na makapagbigay ng mga programang pangkabuhayan para sa mga kabataan, lalo na sa mga sumasailalim sa on-the-job training. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









