Mga kabataang wala pa sa wastong edad, hindi dapat bentahan ng online sellers ng sigarilyo at alak ayon sa DTI

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang online sellers sa bansa na siguraduhing tanging ang mga kabataang edad 18 pataas lamang ang kanilang binebentahan ng sigarilyo at nakakalasing na inumin.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kailangang magkaroon ng document ang mga online seller na ipapasagot sa customers para matiyak na sila ay nasa tamang edad na.

Kailangan din aniyang may ipakitang proof of age ang mga bumibili kapag idini-deliver ang produkto bilang pagsunod sa polisiyang ipinatupad ng ahensiya.


Sa ngayon, ikinokonsidera ng DTI ang pag-ban sa mga “sin” product kung saan nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) para masigurong sumusunod sa utos ang online sellers.

Facebook Comments