MGA KABILANG SA MARGINALIZED COMMUNITY SA BAYAN NG SAN NICOLAS, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Nakatanggap ng financial assistance ang mga residente ng San Nicolas particular ang mga kabilang sa marginalized community ng bayan.
Ito ay sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na pinondohan ng isang senador mula sa nasyonal na gobyerno.
Nakatanggap ang kinabibilangan ng mga mga senior citizens, mga estudyante sa kolehiyo, solo parents, mga nangangailangan ng medical assistance, at mga bata na nasangkot sa ilegal na gawain o children in conflict with the law.

Tiniyak pa ng lokal na pamahalaan ng bayan at tanggapan ng ikaanim na kongresista ng Pangasinan ang karagdagang tulong pinansyal para sa mga residenteng hindi pa nabigyan ng nasabing tulong. |ifmnews
Facebook Comments