Mga kagamitan ng PNP, muling nadagdagan

Nadagdagan pa ang mga makabagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang magagamit sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Kanina ay iprinisinta at binasbasan ang mga bagong biling mga kagamitan na nagkakahalaga ng 576 million pesos.

Ayon kay PMGen. Rodolfo Azurin Jr. ng Directorate for Comptrollership na siyang Chairman ng Bids and Awards Committee, ito ay bahagi ng Capability Enhancement Program ng PNP.


Ang mga bagong kagamitan ay ang

• 10 High Speed Water Craft para sa Maritime Group, 34 an Isuzu Utility Truck
• 120 Toyota Patrol Jeeps
• 1, 700 na Radio Communications

Nagpasalamat naman si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa naging trabaho ng Bids and Awards Committee para mapabilis ang pagbili ng mga bagong kagamitan.

Ide-deploy naman ang mga ito sa iba’t ibang mga Police Units para magamit sa pagbibigay seguridad ngayong nalalapit na ang May 2022 local at national elections.

Para kay PNP chief, malaking tulong ito para lalo pa nilang mapaghusay ang kanilang trabaho.

Dati aniya kung may Move, Shoot, Communicate and Investigate Capability, sa ngayon ay mas gusto niyang magkaroon ng Communicate, Move, Investigate and Shoot.

Facebook Comments