KORTE SA PANGASINAN, IBINASURA ANG KASONG PAGNANAKAW NG MANGGA KAY LOLO NARDO FLORES

ASINGAN, PANGASINAN – Tuluyan ng ibinasura ng 7th Municipal Circuit Trial Court ng Asingan ang kasong pagnanakaw ng mangga sa 83 taong gulang na si Lolo Nardo Flores.

Ayon kay Attorney James Fernandez, ang abogado ni Lolo Nardo, humingi ng paumanhin ang kaniyang kliyente sa complainant at malugod naman itong tinanggap.

Inihain umano ng nagsampa ng kaso ang Affidavit of Desistance at inaprubahan naman ito ng korte.

Matatandaan na noong ika-13 ng Enero mg silbihan ng warrant of arrest si Lolo Nardo matapos siyang ireklamo dahil sa pagpitas ng 10 kilong mangga ngunit sa salaysay ng biktima sa pulisya nasa sampung kaing o katumbas ng halos 200 kilo ang ninakaw na mangga.

Naging viral sa social media ang kwento ni Lolo kung saan bumuhos ang samut saring reaksyon at tulong para sa kanya. | ifmnews

Facebook Comments