MGA KAGAMITAN SA REGISTRATION PARA SA PHILIPPINE IDENTIFICATION SYSTEM, DUMATING NA SA BAYAN NG STO. TOMAS

Dumating na ang mga kagamitan na gagamitin sa pagpaparehistro para sa National ID Ng gobyerno sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan.

Ang mga naturang registration kits para sa Philippine Identification System (PhilSys) ay i-install sa Multi-Purpose Training Center at magsisilbing LBU-based Registration Center ng ng bayan para sa mga residenteng hindi pa nakapagrehistro sa naturang ID.

Isasagawa ang Step 2 Registration sa June 17, 2021 kung saan magkakaroon ng validation sa mga karagdagang dokumento at pagkuha ng biometrics sa bawat indibidwal na hindi pa nakarating sa habang na ito.


Abisuhan naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga nauna nang registrants para sa Step 1 para sa kanilang schedule sa Step 2.

Samantala, isa ang bayan ng Santo Tomas sa pitong lokalidad sa lalawigan ng Pangasinan na maglulunsad na ng second phase ng naturang registration.

Facebook Comments