Baguio, Philippines – Alas singko palang ng umaga, sinusubok na ang mga VCM o voting Counting Machine ng mga volunteer poll watchers ng iba’t ibang organization kabilang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, National Peoples Coalitions o NPC, at ilang majority at minority party list, sa iba’t ibang voting pricinct. Wala pa naman nakitang magiging abirya sa mga gagamiting machines. Ang ginamit sa mga machines ay mga sample ballot. Dagsa ang iilan palang na botante para bumoto ngayong maaga.
Ala sais ng umaga nag-umpisa ang botohan at kasalukuyang madami nang tao sa Voting Precinct ng Irisan, Bakakeng at Mabini. Nagkaroon naman ng problema sa Cluster 65 ng Engineer’s Hill sa Mabini Elementary School, pagkatapos mag-cast ng vote ang 35 na katao bigla na lang nag shut down ang VCM. Kasalukuyang inaayos ang naturang makina habang pahab ng pahaba ang pila ng mga botante.
sa Lower General Luna naman, may mga botante na wala ang aking pangalan sa listahan.
iDOL, tapos ka na bang bumoto?