Naharang ng mga opisyal mula sa Bureau of Immigration (BI) ang ilang Chinese at Vietnamese nationals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
16 sa mga ito ay Vietnamese national na pinaghihinalaang recruit ng mga iligal na online gaming hubs.
Ang mga ito ay dumating mula sa Ho Chi Minh City sakay ng Cebu Pacific flight noong Abril 25.
Batay sa pahayag ng BI, naaresto ang mga ito dahil hindi umano nila alam kung anong mga lugar sa bansa ang kanilang bibisitahin.
Sa parehong araw, limang Chinese men din ang napigilang makapasok nang mabigong makapagbigay ng dahilan sa pananatili sa bansa.
Lumapag ang sinasakyang eroplano ng mga ito sa NAIA Terminal 1, at nagmula pa sa Quanzhou City sakay ng Xiamen Air.
Nang sumunod na araw rin ay tatlong kahina-hinalang babaeng Vietnamese at isang Chinese na lalaki mula sa Hanoi ang naharang dahil sa suspicious purposes.
Kaakibat nito, ipinag-utos ni BI Commisioner Norman Tansingco na mas higpitan ang pagbabantay sa mga ports ng bansa matapos ang mga ulat ukol sa human smuggling syndicates.