Nagkagulo ang ilang residente sa Diversion Road ng Barangay Sta. Lucia, Urdaneta City matapos mahulog mula sa isang cargo van ang mga kahon ng bote ng bleach, Biyernes ng umaga.
Ayon sa Urdaneta City Police Station, bumukas ang likurang bahagi ng van habang ito’y lumiliko, kaya’t tumilapon sa kalsada ang mga kahon. Tumama rin ang isa sa mga ito sa gas tank ng kasunod na sasakyan.
Nakuhanan naman ng video ang pamumulot ng ilang residente sa lugar ng nahulog na bleach habang ang ilan nagsauli ng kanilang napulot.
Wala namang nasaktan sa insidente at nagka areglo na ang driver ng Van at gas tank.
Patuloy naman ang paalala ng pulisya na iwasan ang pagpulot ng mga kalakal mula sa mga aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments