Mga kahoy mula sa hinihinalang illegal logging nasabat sa Pangasinan

Labrador Pangasinan – Sa isinagawang anti-illegal logging operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Labrador, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Dagupan City nasabat ang mga bulto ng kahoy na pinutol Brgy. Uyong, Labrador Pangasinan na ayon sa mga awtoridad ay hinihinalang mula sa illegal logging.

Sa estima ng DENR at CENRO Dagupan aabot sa halagang P34,000 ang nasakoteng bulto ng mga kahoy kapag ibinenta sa merkado. Sa ngayon ito ay nasa kustodiya ng ahensya at patuloy ang kanilang pag-tuntun sa mga maaaring grupo na nasa likod ng nasabing illegal logging.

Samantala sa bayan naman ng San Fabian Pangasinan nahuli ang mga suspects na sina Eddie Langit at Diosdado Navarro na pawang mga residente ng nasabing bayan dahil sa pamumutol ng narra bago isinasakay sa mini dump truck. Gayundin ang ilang mga kalalakihan na sangkot din sa pagpuputol ng mga puno sa Brgy. Sagunto Sison Pangasinan na sina Jomar Aquino at Johnwel Ocbus.


Kakaharapin ng nasabing mga suspek ang kaso sa paglabag nila sa RA 9175 o ang Chain Saw Act of 2002.

Facebook Comments