Mga kakasuhan sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo, malapit ng matukoy

Manila, Philippines – Malapit nang matukoy ng Senate Committee on Public Order kung sino ang dapat panagutin sa kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo, III.

Sa interview ng RMN kay sen. Sherwin Gatchalian – nakakadismaya aniya dahil karamihan sa mga sangkot ay mga nagpa-practice sa pagiging abogado.

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na inuudlot at pinapalabnaw ang kaso ni atio.


Ipinunto pa ng senador na inaabuso na rin ang paggamit ng right to self-incrimination.

Samantala, nakaditine sa Senado ang pinuno ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag.

Facebook Comments